Friday, October 18, 2013

Kim Chiu at Xian Lim prepares for another KimXi Movie!!

Matapos mabalita na may bagong primetime soap ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim, isa nanamang proyekto ang iniluluto para sa dalawa. Magsasama ulit ang real life couple sa isang malaking pelikula sa direksyon ni Mae Cruz. Abot langit sigurado ang kaligayahan ng mga tagahanga nila Kim at Xian. Matapos nga naman silang mapanood sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo, di mo masisisi kung sabik silang makita sila muli sa big screen. (Credit photo as marked) 


Wednesday, October 2, 2013

Xian Lim: Bagong Mukha ng PONDS for Men!

Nitong nakaraang mga araw, lumipad si Xian Lim papuntang Korea. Naging palaisipan sa marami kung ano ang bagong supresa ng 6' 2"  hunk sa kanyang mga fans. Ngayong araw na ito, napag-alaman mula sa tweet ni John H.  Lee na ang napakaguwapong nagmamay-ari ng puso ni Kim Chiu ang bagong mukha ng Ponds for Men. Sa Korea nagshoot si Xian ng Ponds for Men TVC sa direksyon ni Mr. John H. Lee. Si John H. Lee ay, miyembro ng bagong henerasyon ng mga pan-Asian international directors. Maliban sa "A Moment To Remember," the highest grossing domestic film  sa romantic genre sa Korea, isa din syang tanyag na direktor ng maraming international music videos and TV Commercials sa Asia at Europa. Sa isa sa mga tweets ni Mr. Lee, tinawag nyang "friend" si Xian Lim. Meron ding mga kumento sa post nya na guwapo daw ang starmagic talent. Ito na kaya ang hudyat sa pagpasok ni Xian Lim sa international scene? Abangan natin yan! (Source for John H. Lee info, iMdb)

Credit pics to Xian Lim & John H. Lee

Thursday, September 26, 2013

KimXi New Project Talks Officially Began!


Matapos ang matagumpay na teleseryes nila Kim Chiu at Xian Lim na My Binondo Girl at Ina, Kapatid, Anak na sinundan pa ng Mega Blockbuster Movie na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo, matiyagang naghintay ang mga tagahanga ng dalawa sa kung ano pa ang susunod na proyekto para sa kanila.  Kahapon, September 26, 2013, nakipagmeeting na sila Kim Chiu at Xian Lim, kasama ng mga handlers nila na sila Portia Dimla at Gidget Dela Cuesta with Dreamscape upang pag-usapan ang susunod nilang TV Project. 

Abangan ang mga detalye at pormal na announcement ng ABS-CBN.

(credit photos as marked)