Matapos mabalita na may bagong primetime soap ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim, isa nanamang proyekto ang iniluluto para sa dalawa. Magsasama ulit ang real life couple sa isang malaking pelikula sa direksyon ni Mae Cruz. Abot langit sigurado ang kaligayahan ng mga tagahanga nila Kim at Xian. Matapos nga naman silang mapanood sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo, di mo masisisi kung sabik silang makita sila muli sa big screen. (Credit photo as marked)
Friday, October 18, 2013
Wednesday, October 2, 2013
Xian Lim: Bagong Mukha ng PONDS for Men!
Nitong nakaraang mga araw, lumipad si Xian Lim papuntang Korea. Naging palaisipan sa marami kung ano ang bagong supresa ng 6' 2" hunk sa kanyang mga fans. Ngayong araw na ito, napag-alaman mula sa tweet ni John H. Lee na ang napakaguwapong nagmamay-ari ng puso ni Kim Chiu ang bagong mukha ng Ponds for Men. Sa Korea nagshoot si Xian ng Ponds for Men TVC sa direksyon ni Mr. John H. Lee. Si John H. Lee ay, miyembro ng bagong henerasyon ng mga pan-Asian international directors. Maliban sa "A Moment To Remember," the highest grossing domestic film sa romantic genre sa Korea, isa din syang tanyag na direktor ng maraming international music videos and TV Commercials sa Asia at Europa. Sa isa sa mga tweets ni Mr. Lee, tinawag nyang "friend" si Xian Lim. Meron ding mga kumento sa post nya na guwapo daw ang starmagic talent. Ito na kaya ang hudyat sa pagpasok ni Xian Lim sa international scene? Abangan natin yan! (Source for John H. Lee info, iMdb)
Credit pics to Xian Lim & John H. Lee
Subscribe to:
Comments (Atom)





