Nitong nakaraang mga araw, lumipad si Xian Lim papuntang Korea. Naging palaisipan sa marami kung ano ang bagong supresa ng 6' 2" hunk sa kanyang mga fans. Ngayong araw na ito, napag-alaman mula sa tweet ni John H. Lee na ang napakaguwapong nagmamay-ari ng puso ni Kim Chiu ang bagong mukha ng Ponds for Men. Sa Korea nagshoot si Xian ng Ponds for Men TVC sa direksyon ni Mr. John H. Lee. Si John H. Lee ay, miyembro ng bagong henerasyon ng mga pan-Asian international directors. Maliban sa "A Moment To Remember," the highest grossing domestic film sa romantic genre sa Korea, isa din syang tanyag na direktor ng maraming international music videos and TV Commercials sa Asia at Europa. Sa isa sa mga tweets ni Mr. Lee, tinawag nyang "friend" si Xian Lim. Meron ding mga kumento sa post nya na guwapo daw ang starmagic talent. Ito na kaya ang hudyat sa pagpasok ni Xian Lim sa international scene? Abangan natin yan! (Source for John H. Lee info, iMdb)
Credit pics to Xian Lim & John H. Lee



wow! congrats Xian!
ReplyDeletecongrats Xian and thank you Korea for having our dear Xian!
ReplyDeleteCongratulations Xian....! May this be the start of your Asean/International commercials. Being directed by JHLee I''m sure will give additional impetus on your career and being called "friend"by him...surely means a lot to us fans.
ReplyDelete